Nasa pitong barangay sa lungsod ng Dagupan ang nasa Watchlist ngayon matapos makapagtala ng bagong kaso ng COVID-19.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng barangay Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, Caranglaan, Herrero-Perez, Lucao, Pantal at Tapuac.

Sa kasalukuyan ay nasa 31 ang active cases ngayon sa ciudad.

--Ads--

Dahil dito, umakyat na sa 6,889 ang kabuuang COVID-19 case na naitala sa lungsod simula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa noong Marso 2020.

Samantala, muling nagpaalala ang City Health Office sa mga residente na sumunod sa Public Health Standards at tangkilikin ang nagpapatuloy na vaccination rollout laban sa virus.