BOMBO DAGUPAN- Tumama ang 7.4 magnitude earthquake sa east coast ng Kamchatka peninsula sa Russia kaninag 3:10 AM, oras dito sa Pilipinas.

Ayon sa Mediterranean Seismological Centre, may lalim na umaabot sa 51km ang nairecord mula sa pagyanig.

Ang epicenter nito ay tinatayang matatagpuan sa layong 55 miles mula sa nasabing coastal city.

--Ads--

Ayon naman sa US National Tsunami Warning Centre, may banta ito na maaaring magkaroon ng tsunami.

Batay sa tsunami warning, posibleng umabot sa 0.3 meters hanggang 1 meters above tide level ang taas ng alon sa ilang mga coastal areas sa Russia lamang.