Nagdulot ng matinding pinsala ang halos kabuuan ng Taiwan ang naitalang magkakasunod na lindol kabilang na ang nasa 7.0 magnitude kahapon.

Ayon kay Bombo International Correspondent Jason Baculinao, ang malalakas na pagyanig ang nagdulot ng pagbagsak ng ilang mga gusali lalo na sa bahagi ng Hualien County.

Naanatala rin lahat ng operasyon ng tren na hindi rin pinatawad na inuga ng malakas na lindol.

--Ads--

Aniya, gabi pa lamang ng Sabado ng maitala ang ilang serye ng pagyanig na pumapalo nang nasa 5-6 magnitude.

Ngunit noong linggo ng hapon, nagulantang ang maraming mga residente nito sa pagtama ng magnitude 7 na lindol.

Sa ngayon nailigtas naman umano ang ilang mga na-trap na mga tao sa mga debris ng mga bumagsak na mga gusali at sa kasalukuyan ay wala naman umanong mga Pilipino ang nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ng Taiwang government ang kabuuang pinsala sa mga naganap na lindol.

Matatandaang ang lindol ay may layong 50 kilomentro sa hilaga ng Taitung at mayroong lalim na 10 kilometro.