Inilabas na ng Hamas ang mga hostage na kanilang susunod na papalayain kapalit sa mga Palestinian prisoners na hawak ng Israel.
Tatlong mga sibilyan kalalakihan ang kanilang papalayain. Ito ay sina Eli Sharabi, Ohad Ben Ami, at/o si Levy.
Nasa 18 hostages na ang napalaya ng Hamas nang magsimula ang ceasefire noong Enero 19, habang ang Israel naman ay nakapagpalaya na ng 383 prisoners. Ayon sa Hamas, nakatakda ang 183 prisoners ang ibabalik sa kanila sa sabado.
--Ads--
Nakatakda naman ang pagpapalaya ng 33 hostages at 1,900 prisoners sa katapusan ng first stage ng ceasefire.
Sinabi naman ng Israel na 8 sa 33 hostages ay patay na.