DAGUPAN CITY- Sugatan ang driver ng tricycle at isang pasahero nito sa kahabaan ng kalsada sa bayan ng Mangaldan matapos na mabangga ng humaharurot na motorsiklo.
Ayon kay PCPT Vicente Abrazaldo, Officer in Charge ng Mangaldan PNP, mag aalas singko na ng madaling araw kahapon habang papunta sana ang tricycle na minamaneho ni Richard martinez 44 anyos habang lulan ang isa nitong pasahero para sana pumunta sa town proper sa bayan.
Base sa initial na imbestigasyon ng pulisya, tangkang mag-oovertake ang isang motorsiklo sa sinusundan nitong sasakyan sa kabilang kalsada nang mangyari ang insidente, kung saan hindi na nagawang makaiwas pa ng tricycle na siyang naging dahilan ng salpukan ng nasabing mga sasakyan.
Lumalabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na nakainom si Bravo habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo.
Samantala, nagpapagaling na ang dalawang sakay ng tricycle habang si Bravo ay nadala pa sa hospital, ngunit nasawi rin kalaunan dahil sa natamo nitong sugat sa kanyang ulo.