BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang mag ama matapos ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng provincial road ng barangay Coliling sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay PMAJ. Resty Ventinilla, deputy chief of police sa San Carlos City PNP, ang aksidente ay kinasasangkutan ng isang motorsiklo na minamaneho ni Arnel Bandong Hitomo, 58 taong gulang, walang lisensya, hindi nakasuot ng helmet, magsasaka, kung saan angkas niya ang anak na si Raymart Bandong Hitomo, 26 taong gulang, parehong residente ng Brgy. Magtaking, San Carlos City at isa namang L300 van na minamaneho ni Marcelino De Guzman Montemayor, 54 taong gulang, at residente ng Brgy. Binalay, sa bayan ng Basista.

Sinabi ni Ventinilla na sa inisyal na imbestigasyon mula sa kuha ng CCTV, naglalakbay papuntang timog ang motorsiklo sakay ang mag ama habang ang van ay papuntang hilaga pero sa napunta ang van sa lane ng motor na nagresulta sa pagsalpukan ng dalawang sasakyan.

--Ads--

Isinugod ang mag ama sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng attending physician.

Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang drayber ng van at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homecide with damage of property.