DAGUPAN CITY- Mahirap asahan ang kaunlaran ng isang bansa kung kulang ang edukasyon kaya tiniyak ni 2nd District Congressman Mark Cojuangco ang kahalagaan nito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sakaniya, magpapatuloy ang mga programa na tumututok sa pag-aaral ng mga estudyante kabilang na dito ang kanilang pamamahagi ng scholarship.

Kaniyang napansin din ang kakulangan ng mga silid-aral sa mga mabababang paaralan dito sa probinsya gayundin, sa mga lupain para sa pagpapatayo nito.

--Ads--

Sa kaniyang opinyon, kinakailangan nang mapataas ang pagpapatayo ng classroom buildings para magkaroon pa ng sapat na silid-aralan.

Kaugnay nito, kanila nang sinisimulan ito sa bayan ng Mangatarem kung saan itatayo ang 24-storey classroom building.

Ilalaban din nila ito para sa 2025 budget at sa mga susunod pang taon.

Sinabi ng Cojuangco na hindi rin nila nagawang makausap ang dating kalihim ng edukasyon na si Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy nilang pagkuha ng appointment.

Sa kabilang dako, ipinaglalaban din ni Cojuangco sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggastos para sa pagkakaroon ng”right of way”.

Aniya, kinakailangan itong pag-usapan dahil maliban sa hindi na ito mag-mumura ay magiging congested na ito sa hinaharap.

Kaya hanggang sa maagang panahon ay dapat nang maiayos ang arkitektura nito upang magkaroon na ng framework sa pagdevelop ng bawat bayan.

Maliban diyan, kaniya din ipinaglalaban ang mga drainage sa bawat distrito.

Saad pa niya na dapat tumatagal ng dekada ang isang istraktura upang mas marami ang makinabang nito.