BOMBO DAGUPAN – Walang nakikitang mali ang isang political analyst sa paghimok kay Vice president Sara Duterte na ipaliwanag kung paano niya ginastos ang confidential at intelligence funds na ibinigay sa kanya.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, tama lamang lamang at dapat ginagawa ito lagi dahil ang Department of Education o DEPED at Office of the Vice President ay wala namang law enforcement o intelligence gathering function and responsibilites.

Aniya, hindi na siya dapat nabigyan ng intel funds pero nabigyan siya kaya marapat lamang na ipatawag at magpaliwanag.

--Ads--

Pero, hindi umano maalis ang hinala na may bahid pulitika ang hakbang na ito.

Sinabi ni Yusingco na kadalasan aniya ay nagagamit ang prosesong ito ng ibang politician sa pulitika.

Kaugnay naman sa relasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Duterte na umanoy maituturing na ‘walang label’ sinabi ni Yusingco na ang pagsasalita at pananahimik ni VP Sara ay nagpapahiwatig na hindi niya plano na maging lider ng oposisyon.

Naniniwala si Yusingsco na may matingkad napag iisip ng bise presidente na mayroong personal na away ng kanyang pamilya at pamilya ni pangulong Marcos.