BOMBO DAGUPAN – Nagpasalamat ang two-time gold medalist sa 2024 Paris Olympics na si Carlos “Caloy” Edriel Yulo sa pagbuhos ng suporta mula nang sumabak sa Paris Olympics 2024 hanggang sa pagbabalik niya sa bansa
Taus puso rin siyang nagpasalamat sa ama nitong si Mark Andrew Yulo dahil sa suporta niya para dito.
Ngayong araw, Agosto 14, 2024, nakunan ng mga larawan at video si Mark Andrew habang masayang nakaabang sa kanyang anak at iba pang mga atleta sa grand heroes’ parade sa Maynila.
Kasama ang libu-libong manonood, matiyagang naghintay siya sa float na lulan si Carlos, na nakakuha ng makabuluhang pagkilala sa pagkapanalo ng dalawang gintong medalya sa men’s floor exercise at men’s vault events.
Isang banner na may nakasulat na “CALOY DITO PAPA MO” na hawak ng mga kaibigan ni Mark ang nakakuha ng malawak na atensyon, na tumulong sa Olympic champion upang makita ang kanyang ama sa karamihan.
Agaw pansin ang pagtaas ni Mark ng kanyang mga kamay habang binuhat ng isang kasama.