BOMBO DAGUPAN – May alok na PHP250,000 reward money ang pamilya ng Israeli national na si Yitshak Cohen sa sinumang makapagtuturo ng kinaroroonan nito at ng nobyang si Geneva Lopez.

Si Geneva ay kandidata ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 kung saan kinatawan siya ng Sto. Tomas, Pampanga.

Misteryosong naglaho sina Geneva at Yitshak noong June 21, 2024, kung saan napag-alamang nagpunta sila ng Capas, Tarlac, para tingnan umano ang isinanlang lupa sa beauty queen.

--Ads--

Sinabi ng kapatid ni Yitshak na si Joe Cohen na nag-alok sila ng reward para sa kaligtasan nina Yitshak at Geneva.

Humingi naman ang pamilya Lopez ng privacy para maiwasan ang mga aberya sa imbestigasyon.

Nakikipag-ugnayan na rin sa pulisya ang Israel embassy sa Pilipinas kaugnay ng pagkawala ng Pampanga beauty queen at ng Israeli boyfriend nito.