Bonuan Boquig National Highschool is world's Best School for Environmental Action

BOMBO DAGUPAN-Big winner ang Bonuan Boquig National High School (BBNHS) na hinirang ng global education organization na T4 Education bilang Top Prize Winner in the T4 World’s Best School for Environmental Action.

Ang programang “Ilog ko, Aroen ko” Adopt a River Project ang naging entry ng BBNHS sa kompetisyon.

--Ads--

Sa naturang kompetisyon nasa $50, 000 o higit 3 milyong piso ang kanilang napanalunang premyo.

Mula sa 1,000 entries sa buong mundo, nakatunggali ng BBNHS sa top spot ang International School of Zug & Luzern sa Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia.

Napili ang kanilang paaralan sa ilalim ng category na “Environmental Action” na kumikilala sa kahalaganan ng mga kabataang estudyante at paaralan tungo sa paggawa ng mga hakbang laban sa global warming at climate crisis.

Lubos naman ang pasasalamat ni Renato Santilan ang Principal ng Bonuan National High School sa lahat ng sumuporta at mga bumuto sa kanilang entry.

Isang malaking karangalan aniya sa paaralan ang nasabing pagkilala.

Tiniyak naman niya na tuloy tuloy pa rin ang kanilang mga gagawing plano at hakbang upang magtuloy tuloy ang kanilang nasimulan.

Anya, na bukod sa environmental action ay mga nakalatag pa silang proyekto tulad ng curriculum, reading at iba pa.

Samantala hinihiling naman ni Santillan na sa pamamagitan nito ay magkaroon pa ng mas malaking epekto sa bawat tao ang importansyasa pangangalaga ng kapaligiran.

Naganap ang announcement ceremonies ng World’s Best School Prizes nitong Miyerkules na sinaksihan live sa Peoples Astrodome.

Dumalo sa nasabing ceremonies sina Mayor Belen Fernandez, Vice Mayor BK Kua and Sangguniang Panlungsod members, pamunuan ng Deped Region 1 sa pangunguna ni Regional Director Tolentino G. Aquino, DepEd Dagupan sa pangunguna ni SDS Aguedo Fernandez, BBNHS School Officials sa pangunguna ni Principal III Renato Santillan at mga mag-aaral, Bonuan Gueset Barangay Council sa pamumuno ni Kapitan Joseph Maramba at inabangan rin online ng mga Dagupeños worldwide.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Fernandez ang kanyang ang pagsaludo sa BBNHS at sa lahat ng mga bumubuo ng “Ilog ko, Aroen ko” Project.

Umaasa siyang magiging isang inspirasyon sa lahat ang nasabing kompetisyong para sa mga environmentalist at magbigay ng inspirasyon din sa iba pang paaralan, organisasyon at institusyon sa lungsod upang maisakatuparan ang kanilang mga hakbangin sa pangangalaga para sa kapaligiran

Pinasalamatan din niya ang T4 Education para sa kanilang pamamaraan na parangalan ang iba’t ibang anyo ng tagumpay ng mga paaralan

Ang World’s Best School Prizes ay hosted ng T4 Education, isang global education organization na naglalayong kilalanin ang husay at dedikasyon ng mga paaralan sa mundo.