Maraming natutuwang taga suporta ni dating US Pres. Donald Trump kaugnay ng pagkakawalang-sala nito sa makasaysayang ikalawang impeachment trial na isinagawa ng US Senate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dasil Reynolds, residente ng Michigan, USA, iginiit nitong malugod sila bilang Trump supporters dahil partikular sa kaniyang pananaw ay unconstitional ang pagnanais ng iba na ma-impeach pa ito.
Pinaniniwalaan ng ilang Trump supporters na pag aaksaya lamang ng tax ng tao ang naganap na pagdinig.
Ang naturang impeachment trial laban kat Trump ay may kaugnayan sa nangyaring kaguluhan sa US Capitol noong buwan ng Enero.
Sa resulta ng botohan ng mga US senators, nakakuha ng 43 ang “not guilty” habang 57 ang “guilty” sa article of impeachment na incitement of sedition.
Bagama’t lamang ang guilty votes, kinapos ang mga ito na makuha ang supermajority o two-thirds ng mayorya ng Senado upang ma-convict si Trump.
Sa kabilang dako Hindi parin umano natatapos ang pagharap ni dating US Pres. Donald Trump sa mga kasong isinampa sa kaniya .
Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Atty. Arnedo Valera, US Immigration Attorney sa Washington DC, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng pagkaka-acquit nito sa ikalawang impeachment trial sa Senado dahil sa kakulangan ng sapat na boto.
Ayon kay Valera, bagamat tapos na sa Senado nila ang paglilitis at maaari na silang magpatuloy sa kanilang legislative works, hindi parin ligtas sa civil at criminal case si Trump.
Paliwanag pa ni Atty. Valera, itutuloy kasi ng Atty. General o kung sino mang indibiduwal na nais na magsampa ng kaso laban sa kaniya.
Bukod kasi aniya sa madugong riot sa US Capitol hill noong Enero 6, nariyan din ang election fraud na kinakaharap nito sa estado ng Georgia at mga samu’t-saring tax ivasion case sa mga negosyo nito.