Ibinahagi ng isang frontliner na Pinoy sa United Kingdom ang kanyang naramdaman matapos matukurukan ng covid vaccine.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Grant Gannaban O’ Neil, isang pilipino na nagtratrabaho sa Home case sa United Kingdom at dating nurse dito sa Pililipinas, iba ang bagong variant ng virus sa naunang covid 19.

Noong una aniya ay hindi niya ininda ang injecton.

--Ads--

Nakaramdam lang siya ng pagbabago ng pakiramdam isang araw matapos maturukan ng bakuna.

Kanya namang pinagtanggol ang bakuna dahil maraming magagawa nito para protektahan ang tao sa virus.

Medyo mabigat umano sa tinurukang bahagi ng kanyang katawan pero naniniwala siyang normal lang.

Sa ngayon ay mabuti na aniya ang pakiramdam.

Grant Gannaban O’ Neil

Samantala, ipinaliwanag pa niya na kapag nabakuna ay hindi nangangahulugan na ligtas na.

Ang katawan ay magdedevelop pa lang ng immunity para labanan ang virus.

Kapag nabakunanan ay lumalaban ang immune systen at hindi na kalakas pag dumapo ang virus sa tao.

Grant Gannaban O’ Neil