Kinumpirma ni PNP Pangasinan Provincial Director Police Colonel Ronald Valdez Gayo na magkakaroon ito ng pagpupulong sa 702nd Infantry Brigade sa pamumuno ni Brigadier General Audrey Pasia ukol sa rebeldeng grupo na namataan sa bayan ng Managatarem dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa session ng Sangguniang Panlalawigan, inihayag ni Gayo na tuloy tuloy ang isinasagwang validation ng kanilang intelligence unit maging ang assessment sa sitwasyon ng bayan kung talaga bang nag eexist pa ang mga rebeldeng grupo dito.
Matatatandaan na namataan ang higit kumulang 40 armadong grupo sa barangay lawang langka managatarem pangasinan noong nakaraang buwan kahit pa idineklarang insurgency free ang lalawigan.
Sa turn over command ceremony nakiusap naman si Regional Director Police Brigadier General Rodolfo Azurin sa Provincial Director ng Zambales na higpitan ang kanilang kampanya ukol sa mga rebeldeng grupo upang hindi tumawid ang mga ito sa lalawigan ng Pangasinan.