DAGUPAN CITY– Lubhang ikinadismaya ng sektor ng mga guro ang balitang walang nakalaang pondo para sa mga guro na maaring tamaan ng Covid-19 sa ating bansa.

Ayon kay Shiela Lim Manuel, Presidente ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT nakasaad mismo sa probisyon ng Magna Carta Section 23, kinakailangang pondohan ng DepEd ang mga ganitong pangangailangan ng kanilang sektor.

Hindi aniya makatuwiran na dahil sa may Philhealth ang mga guro, sasapat na ito para sila’y maprotektahan.

--Ads--

Mas mainam pa din kung maglalaan ng pondo para sa kanilang hanay kung saan nakasalalay ang kalusugan at kaligtasan ng mga guro.

Higit na mas mapanganib ngayon ang magiging kalagayan ng mga guro lalo na’t kailangan pa nilang mag house to house upang maibigay ang mga modules na gagamitin ng mga estudyante.

Shiela Lim Manuel, Presidente ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT