Pinabulaanan ng isang Pinoy sa Italy ang mga kumakalat na larawan sa social media na nagpapakita ng malalang sitwasyon sa kanilang bansa bunsod ng kinakaharap nilang problema sa COVID-19.
Sa report ni Bombo Correspondent Mickaella Jorgia Bergantino mula sa Milan Italy, kabilang na aniya rito ang pag-iyak ng kanilang pangulo dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa naturang sakit.
Hindi aniya ito ang kanilang pangulo at sa katunayan nagsagawa pa ito ng prescon para tiyakin sa kaniyang mga mamamayan na ginagawa nila ang lahat para maimprove at makontain ang sitwasyon.
Maging ang pagparada ng mga military trucks sa kanilang bansa na ang laman ay mga labi ng mga nasawing biktima dahil sa covid 10.
Giit nito na agad isinasailalim sa cremation ang mga namamatay dahil sa sakit.
Hindi na umano ito inilalagay sa kabaong para ipadala sa pamilya at malamayan.