DAGUPAN CITY– Pinangalanan na ng PNP Pangasinan ang isang person of interest sa kaso ng pananambang at pagpatay kay dating Pangasinan PNP Provincial Director Marlou Chan sa bayan ng Calasiao noong January 09, 2020.

Sa press conference na ginawa sa Pangasinan PPO, tinukoy ni Police Lt. Col. Joseph Fajardo, hepe ng Calasiao PNP, ang isang Edwin Ferrer na residente ng barangay Gayaman sa bayan ng Binmaley bilang person of interest sa kaso ng pagpatay.

Ayon kay Fajardo, si Ferrer ay naroon sa lugar kung saan nangyari ang pamamaril kay Chan at sa katunayan ay nagpresenta pa ito upang itakbo sa ospital ang biktima na agad din daw nitong nakilala.

--Ads--
Police Lt. Col. Joseph Fajardo, Chief of Police Calasiao PNP

Sa background check ng mga otoridad, lumabas na kilala ni Ferrer ang isang Ashok Vasandani na huling kausap ni Chan bago ito pagbabarilin. Natuklasan din ng PNP na si Ferrer ay dating driver ng may-ari ng Maya Imporium sa Dagupan na pinagbabaril at pinatay noong Agosto, 2014.

Police Lt. Col. Joseph Fajardo, Chief of Police Calasiao PNP

Samantala, si Ferrer naman ay nakakulong ngayon matapos mahuli ng Binmaley PNP sa implementasyon ng search warrant kung saan nakuha sa tahanan nito ang isang caliber 45 na baril na may lamang magazine na kargado ng pitong bala.

Lumitaw pa sa background investigation ng mga otoridad na si Ferrer ay mayroon pang pending na kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions at pinaniniwalaang sangkot sa mga kaso ng gun-for-hire at pinaghahanap din ng ibang mga PNP Units.