DAGUPAN CITY–Nagsisimula na din ang hakbang ng Dagupan City PNP kaugnay sa panibagong utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag ban sa mga nag-vavape sa pampublikong lugar.

Ayon kay Police Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr. Chief of police ng Dagupan PNP, upang lubusang maisakatuparan ang utos ng pangulo ay makikipag-ugnayan ang PNP sa mga force multipliers na katuwang ng kanilang hanay katulad ng POSO at anti hawking para sa kanilang suporta

Sa pagbabawal naman ng vape ay huhuliin ang mga maaaktuhan na nagvavape sa mga pampublikong lugar.

--Ads--

Sa mga nagbebenta naman ng vape o nagmamay ari nang vape shops ay kakausapin at makikipag-ugnayan ang PNP na huwag magbenta lalo na sa mga minor de edad.

Nagpaalala naman si Mangelen sa mga mamamayan na nakasasama ang vape hindi lang sa kalusugan kundi pati na rin sa ating kalikasan kayat kinakailangan ang tulong ng buong gobyerno ng Dagupan upang maiwasan na ang paggamit ng tinatawag na e cigarettes.