DAGUPAN CITY Limang barangay ang maigting ngayong tinututukan dahil sa naitalang kaso ng dengue dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay City Health Officer Dr. Ophelia Rivera, kabilang na rito ang na kinabibilangan ng Brgy. Bonuan Gueset, Caranglaan, Calmay, Binloc, at Pantal.

Bagamat mababa ang naitatalang kaso ng dengue dito sa lungsod ng Dagupan, hindi pa rin masasabing ligtas ayon sa opisyal ang mga residente dahil unang una, hindi naman nila tantsado ang galaw ng mga lamok kung kayat patuloy pa rin ang ginagawa nilang panghihikayat sa publiko na ugaliing maglinis ng kanilang kapaligiran.

--Ads--

Kung tutuusin aniya ay hindi pwedeng ang kanilang tanggapan o ang City Government lamang ang gagalaw kundi ito’y obligasyon at responsibilidad ng bawat indibidwal sa kumunidad.

Sa ngayon ay puspusan pa din ang isinasagawa nilang information drive kung saan ipinapaalala nila sa publiko ang tinatawag nilang 4S, ang Search and Destroy, Self Protection, Seek early consultation at Say Yes to Indiscriminate Fogging only if there is an epidemic.

Katuwang nila ang mga barangay health workers na magsagawa ng information drive hinggil sa pag -iwas sa sakit na dengue at iba pang sakit.