Sinang-ayunan ni Anthony Ang-Angco, operation manager ng speedgame Incorporated ang payo ng Malakanyang kay Philippine Charity Sweepstakes Office oo PCSO board director Sandra Cam na magresign na lang kung gusto niyang umalis sa nasabing ahensya.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi ni Angco na marami pang puwedeng iluklok sa puwesto niya.

Wala aniyang namimilit na manatili siya sa puwesto at puwede siyang umalis kung hindi na niya magampanan ang kanyang trabaho.

--Ads--

Kaugnay nito, pinayuhan ni Angco si Cam na antayan niya na resolbahin ng korte ang mga nakita niyang umanoy mali dahil nasa korte na ito.

Matatandaan na hiniling ni Cam kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na siya sa PCSO dahil sa nagpapatuloy umano ang katiwalian sa naturang tanggapan.