BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang 67 anyos na lalaki sa Brgy.Yatyat sa bayan ng Laoac sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimen ng 2 bilang ng Attempted Homicide.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCPT. Joelrey Ofiana DCOP, Laoac PNP ay nagtago umano ang suspek matapos magawa ang krimen taong 2005 at naaresto lamang kamakailan matapos ipagbigay impormasyon ng mga mamamayan sa nasabing barangay ang kinaroroonan ng suspek.

Kinilala naman ito na si Carsemio Bustillo Gajeton a.k.a. “Ekoy”, 67 taong gulang, biyudo, magsasaka, at residente ng Sitio Perez Park, Brgy. Tactac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nakapiit na ang suspek sa himpilan ng Laoac PS.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang kampanya kontra droga at ang kooperasyon ng kanilang himpilan kontra sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang bayan.