Hindi bababa sa 66 ang nasawi sa pagbaha at landslide sa Nepal dulot ng matinding pag-ulan habang higit 70 naman ang patuloy pinaghahanap.

Kabilang sa mga nasawi ang 5 katao, kabilang na ang isang buntis at 4 taon gulang na batang babae, matapos gumuho ang kanilang bahay sa Bhaktapur dahil sa landslide.

Dalawang labi naman ang natagpuan sa isang bus sa Dhading matapos itong malibing sa lupa dulot din ng landslide.

--Ads--

Maraming naman ang mga bahay na malapit sa kailogan ang binaha at karamihan naman sa mga daanan ay hindi na madaanan pa.

Ang pagbaha ay dulot ng pagtaas din ng volume ng tubig ulan sa mga kailogan dahil sa matinding pag ulan simula noong gabi ng biyernes.