Dagupan City – Natagpuan 66-anyos na lalaki na wala ng buhay sa loob ng kaniyang tricycle sa isang gasolinahan sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Plt. Col. Brendon Palisoc, COP ng Dagupan City PNP, inireport ito ng isang mekaninko sa kanilang himpilan kung saan base sa salaysay nito ay nakita na niyang nakahandusay ang 66-anyos na lolo sa loob ng kaniyang tricycle,
Kung kaya’t agad din nitong inireport sa himpilan, dito na napag-alaman na residente din ang lolo sa lungsod at lumalabas naman sa inisyal na imbistigasyon na dahil umano ito sa cardiac arrest. Bagama’t nauna nang kinonsidera ang iba pang mga posibleng pangyayari ngunit kalaunan ay lumabas at base na rin sa kumpirmayson ng kaanak na dahil ito sa cardiac arrest.
Dinala pa naman ito sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara din itong dead on arrival.
Nagpaalala naman ito sa publiko na ugaliin na suriin ang kalusugan lalo na kung mainit at pabago-bago ang panahon. Dagdag pa niya kung may maintenance na gamot ay ugaliing dalhin ito upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari.