“Age doesn’t matter” ika nga nila, lalo na kung determinado kang makamit ang iyong pangarap.
100 bansa ang nais libutin ng isang 66-taon gulang na lola gamit ang kaniyang bisekleta.
Nagawa nang mag solo ride ni Li Dongju ng Zhengzhou, China, sa 12 bansa sa Southeast Asia, Europe, at Oceania, kabilang na ang Cambodia, France, at Australia.
Para sa kaniya, nakaka-adik ang pag-travel dahil nang simulan niya ito ay hindi na niya magawang tumigil pa.
Gayunpaman, hindi pa rin naging madali para sa kaniya ang makapaglakbay dahil tanging Mandarin lamang ang kaniyang kayang lenggwahe. Gumagamit na lamang siya ng translation apps upang makipag-usap sa mga lokal.
Problema rin para sa kaniya ang budget, kaya kadalasan ay nagcacamping na lamang siya sa mga parke, gas stations, at kahit pa sa mga sementeryo at bahay ng mga nakikilalang good samaritan.
Si Dongju ay isang retiree na naging bahagi ng isang “silver travelers” group sa China. Natigil lamang siya nang makaranas ng depresyon dahil sa paghihiwalay nila ng kaniyang asawa.
Nagsimula na lamang siya na magbisekleta nang may napadaang nagbibisekleta sa kaniyang harapan at duon ay nakaramdam siya ng inggit. Bumili siya ng bicycle helmet habang ang binilhan naman siya ng kaniyang anak ng folding mountain bike.
Ang unang trip ni Dongju ay patungong Tibet, ngunit tanging budget niya lamang ay nasa $23.50.