Dagupan City – Sugatan ang isang 65 taong gulang na lalaki matapos maaksidente sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Palma sa bayan ng Basista.
Kinilala ang biktima na isang empleyado ng LGU at residente ng Basista, Pangasinan, na minamaneho ang kanyang bisikleta nang siya ay mabangga ng isang kotse na minamaneho ng isang 34 taong gulang na sales agent, kasama ang kanyang 28 taong gulang na asawa na isang guro, parehong residente sa bayan ng Bautista.
Ayon sa imbestigasyon, parehong patungo sa hilaga ang bisikleta at ang kotse nang dumating sa lugar ng insidente ay hindi sinasadyang nabangga ng kotse ang likurang bahagi ng bisikleta.
Dahil dito, nawalan ng kontrol ang biktima at bumagsak sa semento, na nagresulta sa pinsala sa ulo na agad dinala sa Pangasinan Provincial Hospital para sa medikal na atensyon.
Walang nasaktan sa driver ng kotse at sa kanyang pasahero.
Samantala, ang mga sasakyan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Basista MPS para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon habang inaalam pa ang halaga ng pinsala sa mga sasakyan.