Dagupan City – Walang awang binaril sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Barangay San Vicente, Umingan ang isang 65-anyos na lola na nagsanhi ng kanyang pagkasawi.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, naghuhugas ng pinagkainan ang biktima nang pasukin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang bahay.

Isa sa mga suspek ang walang habas na malapitang binaril ang biktima.

--Ads--

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo kung saan iniwan ang biktima na duguan at nakahandusay.

Agad naman isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Kaugnay nito, narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang bala at kapsula ng caliber 9mm pistol, gayundin ang isang sumbrero na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isa sa mga suspek.

Samantala, patuloy parin ang masusing imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa karumal-dumal na krimen.