Agad na binawian ng buhay ang isang 64 anyos na babae matapos mahulog ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang sapa sa Poblacion District 2, sa bayan ng Pozorrubio.
Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa Pozorrubio pnp ang biktima ay kinilala bilang si Loida Amansec na residente ng Brgy. Alipangpang na nakasakay sa isang pulang Bunos X100cc motorcycle.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napagalaman na ang biktima ay papunta sa kanlurang bahagi ng nabanggit na barangay nang biglaang umiwas ito sa pasulong na bisikleta.
Nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima at nahulog ito sa isang sapa.
Bilang resulta nagtamo ng mga injuries ang biktima sa katawan at ulo nito kayat dinala ito ng isang concerned citizen sa Pozorrubio Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician. // Report of Bombo Adrianne Suarez