DAGUPAN CITY- Inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa barangay Guiset Sur sa bayan ng San Manuel ang isang 64-anyos na lalaki na may kasong 7 counts ng Statutory Rape na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person ng Regional Level.

Ang nasabing akusado ay residente ng Sitio Laclac, Barangay San Roque sa parehong bayan.

Nahuli ito sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng San Manuel Police Station bilang lead unit kasama ang kapulisan ng lalawigan at rehiyon uno katuwang din ang 104th RMFB Maneuver Company Tayug Base.

--Ads--

May inirekomendang piyansang P200,000.00 kada kaso batay sa inisyu ng Regional Trial Court sa lungsod ng Urdaneta.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Manuel Police Station ang akusado upang harapin ang kanyang kasong at para sa tamang dokumentasyon.