DAGUPAN CITY- Huli na ang lahat nang iligtas ang 63 anyos na lalaki ng kaniyang anak sa bayan ng Bolinao matapos itong malunod.

Ayon kay PCapt. Jayson Orilla, Deputy Chief of Police ng Bolinao PNP, kinilala ang biktima na si Jonie Parido, isang magsasaka, at residente ng Brgy. Luna, sa parehong bayan.

Sa kanilang imbestigasyon, kasama nito ang kaniyang anak na si Crosaldo Parido, nang lumangoy ito sa isang ilog sa Brgy. Tara, sa naturang bayan. Ilang minuto na ang nakalilipas, napansin ni Crosaldo na hindi pa umaahon ang kaniyang ama kaya kaniyang sinundan ito agad. Natagpuan na lamang niya ito na nasa ilalim na ng tubig at nalunod na.

--Ads--

Agad din naman niya dinala ang kaniyang ama sa ospital subalit dineklara din itong dead on arrival.

Samantala, napag-alaman din ng mga otoridad na mayroon itong hypertension at nakakaranas ng kahirapan sa paghinga.