Nagpakamatay ang isang 63 – anyos na ambulant vendor sa barangay Guiguilonen, sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Ayon sa kay police lt. col. Jun Wacnag, chief of police ng Mangaldan PNP, natagpuan na wala ng buhay na nakadapa sa sahig ang biktima na si Rogelio Lampis Bianson sa loob ng kuwarto ng inuupahang bahay.

Nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pag inom ng pesticide.

--Ads--

Nabatid na dating nagpapadyak at nagtitinda ng ice cream ang biktima pero natigil ito sa pagtitinda.

Depression ang nakikitang motibo ng pagkitil sa buhay ng biktima.

Ayon sa salaysay ng kanyang mga kasama sa inuupahang bahay, bago ang insidente ay tahimik at hindi makausap ang biktima.

Nakita naman sa cellphone nito na nakapag text pa siya ng katagang sorry bago mag suicide bagamat hindi pa matukoy kung para sa kanyang pamilya o kanyang misis na matagal nang hindi nakakausap.

Police lt. col. Jun Wacnag, COP Mangaldan PNP

Samantala, payo ng hepe sa mga inidibiduwal na nakakaramdam ng depression na lumapit sa mga kamag-anak o mga taong makakatulong gaya ng magulang o psychiatrist.