DAGUPAN CITY– Nasa kustudiya na ng Sta. Maria PNP ang sisentay dos anyos na lalake matapos barilin ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Sta. Maria Pangasinan.
Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nakilala ang suspek na si Rolando Antipuesto, na isang miyembro ng Gun for hire syndicate.
Ayon sa suspek, napag-utusan lamang siya ng dati niyang kapitbahay para barilin ang biktima.
Matagal na umanong pinaplano ng dalawa ang pagpatay sa biktima ngunit tanging tama ng bala lamang sa tagiliran ang tinamo ng biktima na kinilalang si Marlon Esquejo dahil nagawa pa umano nitong makipag-agawan ng baril sa suspek.
Nakuha sa suspek ang isang Caliber 45 na baril, tatlong magazine at dalawampung piraso ng mga bala.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang nabangggit na suspek.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang biktima ukol sa naturang insidente.