Dagupan City – Natanggap na ng 600 benipisyaryo ng Assistance to Individuals in crisis Situation o AICS ang tulong pinansyal sa pamamgitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa bayan ng San fabian.

Ang 600 na benipisyaryo ay binubuo ng persons with disabilities mula sa iba’t ibang vulnerable sectors sa bayan kung saan ito ay pinangunahan ng Alkalde at bise Alklade ng bayan kasama ang opisina ng DSWD at gayundin ang personal na pagpunta ni Patrick Tolentino ang anak ni Senator Fracis Tolentino na siyang nagging representative nito sa isinagwang distribusyon.

Samantala bawat benipisyaryo ay nakatanggap ng tig-dalawang libong pisong tulong pinansiyal.

--Ads--

Sa pamamgitan ng opisina ng senador ay naisakatuparan ang tulong para sa mga naturang beni[isyaryo ng programa dahil layunin nito ang makatulong sa mga higit na nangangailangan tulad na lamang s pagbili ng kanilang gamot, pagkain at iba pa.

Nagbigay mensahe naman ang senador sa pamamagitan ng kanilanga ipinadala na video message para s aresidente ng bayan. (Aira Chicano)