DAGUPAN CITY- Ibinida ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa kaniyang talumpati para sa 100-days in service nito bilang alkalde ang nagawa nitong progreso sa syudad.
Una niyang binigyan ng highlight ay ang rehabilitation ng 60-year old dumpsite upang mahinto ang pagtatapon ng mga kalat malapit sa karagatan.
Aniya, umabot na sa 19,600 tons ng basura ang kanilang natanggal sa naturang dumpsite.
Ito ay sa pamamagitan umano ng mga bagong kagamitan at makinarya na inaprubahan ng Mayorya ng syudad upang mabili ng kaniyang opisina.
Tiniyak niya ang tuloy-tuloy na segregation sa bawat barangay at ang lalo pang paghigpit sa pagpapatupad nito.
Magkakaroon pa ng karagdagang maliliit na dump trucks para mapanatili ang kalinisan sa bawat barangay ng syudad.
Dagdag pa niya ang inumpisahang ‘dumpsite to funsite’ kung saan nakapagtanim na ng 3,000 puno ng niyog at acacia.










