Mga kabombo! Nasubukan mo na bang makalanghap ng hangin mula sa lobo?
Paano na lamang kung malaman mong may nasawi na pala dahil dito?
Isang 6-year-old na bata kasi mula sa bayan ng Mt. Carmel, Illinois, ang nasawi matapos malanghap ang helium mula sa balloon, ilang araw lang matapos ang kanyang kaarawan.
Ayon sa ulat, suffocation ang itinuturong dahilan. At tumutugma sa lumabas na imbestigasyon na nilalanghap ng bata ang inert gas mula sa lobo habang nasa loob ng kanilang tahanan.
Kung titingnan, madalas na itinuturing ang lobo bilang isang simpleng palamuti sa mga birthday celebration.
At sa katunyan, naging katuwaan na ng ilang bata ang lumanghap ng helium mula sa lobo upang magtunog “cartoon characters” ang kanilang boses.
Paliwanag ng mga eksperto, nangyayari ito dahil mas magaan ang helium kaysa sa oxygen, kaya mas mabilis kumakalat ang soundwaves sa loob ng lalamunan at nagdudulot ito ng matinis na boses.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis at may isinasagawang toxicology tests para matukoy ang kabuuang dahilan ng pagkamatay ng bata.
Muling namang nagpaalala ang mga eksperto at awtoridad sa mga magulang na maging maingat sa paggamit ng lobo na may helium.