DAGUPAN CITY  —      Nakapagtala na ng anim na kataong nasawi at higit 100 aksidente dahil sa winterstorm na nararanasan ngayon sa Estados Unidos.

        Ito ang nabatid mula kay Bombo International Correspondent Kelly Dayag, mula sa Dallas, Texas, USA, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod ng nagpapatuloy na pananalasa ng naturang sama ng panahon doon.

        Aniya, nasa 130 sasakyan ang nasangkot sa aksidente dahil sa snowstorm sa kanila lamang estado na nagresulta sa pagkamatay ng anim na katao.

--Ads--

        Nabatid mula kay Dayag na maliban sa aksidente at hypothermia, may ilang naitalang nasawi din dahil sa carbon monoxide poisoning dahil narin sa paggamit ng heater ng mga sasakyan ng walang tamang bentelasyon.

        Bukod dito ay nakakaranas din sa kasalukuyan ng statewide blackout kung saan halos 3.5 na residente ang apektado.

        Kasunod nito ay sinuspinde muna ang ilang mga non-essential works gayundin ang pagpapasara ng ilang establishimento.

Tinig ni Bombo International Correspondent Kelly Dayag

        Napag-alaman din mula kay Dayag, na dahil dito ay mas pinaigting ang stay at home policy habang sa estado aniya ng Missouri ay pinatigil muna ang mass COVID-19 vacination habang naantala naman ang pagdating ng bakuna sa estado ng Nevada.