Nayupi na parang mga lata ang anim na tricycle at dalawang bangka naman ang nasira matapos mabangga ng isang truck at mahulog sa palaisdaan sa bahagi ng De Venecia highway dito sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ping Torio may ari ng isa sa tricycle na nabangga ng truck mula sa Brgy. Calmay naghaharvest umano sila ng bangus sa palaisdaan sa kabilang kalsada nang mangyari ang insedente.

--Ads--

Nagulat na lamang umano sila nang makitang wasak at sira na ang kanilang mga tricycle na ipinarada lamang nila sa gilid ng daan.


Hindi naman aniya nakainom ang driver ng truck nang mangyari ang aksidente na hinihinala nilang nakaidlip lamang.


Sa nayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insedente.