BOMBO DAGUPAN — Hindi bababa sa 6 na katao ang nasawi matapos ang inilunsad na panibagiong ground at air assault ng Israeli military sa central Gaza sa gitna ng lalong lumalalang humanitarian crisis.

Ito naman ay kasabay ng mas pagpapaigting ng Israel ng mga ginagawa nitong pagatake sa teritoryo.

Inanunsyo ng Israel Defense Forces nitong Martes ng hapon sa lokal na oras na inaatake ng kanilang fighter jets ang Hamas targets sa Bureij neighborhood kasabay ng pagkilos ng ground forces nito sa parehong lugar.

--Ads--

Ayon sa mga ulat, may anim na katawan ang dinala sa Al Aqsa Martyrs Hospital, kabilang na ang nasa 30 mga sugatang indibidwal.

Kabilang sa mga nasawi ay ang isang mag-ama matapos tamaan ng artillery shell ang isang apartment building sa silangan ng Al Bureij, at gayon na rin ang isa pang batang lalaki at babae.