Arestado ang 6 na katao sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation o NBI Dagupan dahil sa pagbebenta ng overpriced na alcohol dito sa lalawigan ng Pangasinan .

Itoy kasabay ng ipinapatupad na extreme enhanced community quarantine dito sa lalawigan ng bunsod ng Covid 19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Agent Mark Caseres , tagapagsalita ng NBI Pangasinan nakatanggap sila ng impormasyon sa ilang concern citizen kaugnay sa pagbebenta online ng mga suspek ng alcohol na overpriced .

--Ads--

Noong Marso 23 nang unang isinagawa ang operasyon sa bayan ng San Fabian na nagresulta sa pagkakaaresto ng 3 indibidwal na napag-alamang pumalo sa 300% ang ipinatong na presyo sakanilang bentang alcohol.

Kahapon naman Marso 25 nang mahuli rin ang 3 seller mula pa sa Maynila.

Nagbebenta rin ang mga ito ng mahal na Alcohol sa Bonuan Gueset sa lungsod ng Dagupan.

Naisailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa RA 7581 o ang tinatawag na Price Act in Relation to RA 7394 o Consumer Act.