Nakatakdang magbukas ngayong araw ang anim na eskwelahan sa lungsod ng Dagupan para sa pormal na pagsisimula ng face to face classes.

Ayon kay Aguedo Fernandez, schools Division superintendent, SDO Dagupan City, kabilang sa paaralang kalahok sapagbubukas ng klase ay ang Bonuan Boquig elementary at national high school, West Central Elementary School II, Suit elementary school; Pugaro integrated School at Lomboy elementary School

Aniya ang mga naturang eskwelahan ay naunang nakapagbigay ng kanilang pormal na sulat sa pagnanais na makapagbukas ng klase na agad namang naaprubahan

--Ads--

Inaasahan naman ang pagbabalik sa silid aralan ng mga estudyante mula sa Bonuan Boquig Elemetary at National High School (BBNHS) ngayong araw habang hinihintay pa ang iskedyul ng iba pang mga eskwelahan.

Dagdag rin nito na ang mga natitirang bilang ng mga paaralan sa lungsod ay naghahanda na rin para sa face to face classes.

Sa ngayon aniya marami pa ang nagpahayag ng kagustuhang magbukas ng klase kung saan ay nasa labing apat pang paaralan ang patuloy na vinavalidate.

Ang go-signal para magsagawa ng face-to-face na mga klase ay batay sa School Safety Assessment Tool (SSAT) na ginamit upang masuri ang kahandaan ng mga paaralan, at kung ang mga paaralan ay sumunod sa mga direktiba kapwa ng local government unit at ng Central office ng Department of Education.

Kasama rin sa mga batayan ay ang mababang kaso ng covid at pagpapahintulot ng mga magulang na dumalo ang kanilang anak sa naturang klase

Samantala sinabi naman nitong malaking bagay ang pagluluwag sa protocols sa ilaim ng alert level 1 dahilan para ang mga guro at mga magulang ay magtulungan para sa pagbabalik ng face to face classes.