DAGUPAN CITY– Nahaharap ngayon sa kaso ang anim na elected officials sa Region I dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang pamamahagi ng SAP emergency subsidy sa kanilang mga nasasakupan.

Karamihan umano sa mga nabigyan ng naturang ayuda ay mga kaanak ng mga inirereklamong barangay officials.

Tatlong barangay Chairman, 2 barangay kagawad at isang konsehal ang sinampahan ng kaso ng Department of Interior and Local Government.

--Ads--

Dahil dito binalaan ng tanggapan ang iba pang barangay officials na silay makakasuhan kapag inabuso ang kapangyarihan lalot nakatakda na rin ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng SAP dito sa lalawigan ng Pangasinan.