DAGUPAN CITY – Nagpatupad ng opensiba ang Israel Defense Forces laban sa mga lider ng Hamas sa Doha, kasunod ng mga ulat ng pagsabog sa kabisera ng Qatar.
Bagaman hindi binanggit ang Qatar sa opisyal na pahayag, kilala ang Doha bilang tirahan ng ilang mataas na opisyal ng Hamas.
Ayon sa IDF, katuwang ang Shin Bet at Air Force, isinagawa ang isang “targeted attack” laban sa pangunahing pamunuan ng organisasyon.
--Ads--
Kumpirmado ng Hamas na anim ang nasawi sa isinagawang opensiba ng Israel sa Doha, kabilang ang isang kasapi ng Qatari security forces.
Ang insidente ay bahagi ng targeted strike laban sa mga lider ng Hamas, na nagdulot ng matinding tensyon sa rehiyon at pagkondena mula sa pamahalaan ng Qatar.