
Inihain na ang anim na buwang preventive suspension order ng ombudsman sa apat na punong barangay sa bayan ng Binmaley, Pangasinan dahil sa anomalya sa distribution ng Social Amelioration Program o SAP.
Kabilang dito ang mga punong barangay ng barangay Gayaman, Caloocan Norte, Balogo at San Isidro Norte.
Pormal nang umupo kahapon bilang punong barangay ang mga first kagawad.
Samantala, muling pinabulaanan ng mga punong barangay ng Caloocan Norte at Gayaman ang pagkakasangkot nila sa nasabing anomalya.
Naniniwala naman si Barangay Gayaman punong barangay Froilando Fernandez na may bahid pulitika ang pagsangkot nila.
Nagulat din ang iba pang sangkot sa pagkakasama ng kanilang pangalan.
Pansamantala inalis sa puwesto ang nasabing mga opisyal habang gumugulong ang imbestigasyon sa kaso ng mga ito.



