Anim na Barangay Captain sa Pangasinan, ang napatunayang guilty sa anomalya sa pamamahagi ng unang bugso ng Social Amelioration Program (SAP). Dahil dito ay supendido ng anim na buwan ang nasabing mga kapitan.
Sila ay sina brgy. Capt. Ariel Cayabyab Hiquiana ng barangay San Vicente, San Jacinto, Brgy. Capt. Walter Velasco ng barangay Cablong, Sta. Barbara, brgy. Capt. Angel Oria Sombrito ng barangay Calanutan, Rosales, brgy. Capt. Lawrence Gilbert Delos Angeles ng barangay Balogo, Binmaley, brgy. Capt.Froilando V. Fernandez ng barangay Gayaman, Binmaley. brgy. Capt. Rogelio Fernandez ng barangay Caloocan Norte, Binmaley.
Kasama ang anim na barangay captain sa walumpu’t syam na napatunayang guilty sa anomalya sa Social Amelioration Program Tranche 1 na sususpendihin ng anim na buwan.
Ang mass suspension ay kaugnay sa isinampang reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naturang mga barangay chairman.
Dahil dito, nanganganib na matanggal sa puwesto ang mga ito dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service.