Dagupan City – Mga kabombo! Isang up-and-coming social media personality na may higit 42,000 followers ang viral ngayon sa social media.

Kinilala ito na si Baby Tingzi kung saan ay ipinpakaita nito ang kaniyang skinny figure.

Si Baby Tingzi ay may taas na five feet, two inches, at may timbang na 25 kilograms. Malayo sa body mass index calculation na ideal weight para sa height niya ay 44.9 to 54.9 kilos.

--Ads--

Ngunit ang mas ikinagulat ng mga followers nito ay ang kaniyang kagustuhan na mas pumayat pa?

Ayon sa ulat regular niyang kinukuhanan ng timbang ang kanyang sarili para i-update ang kanyang followers tungkol sa kanyang weight-loss journey. Dahil sa sobrang pagiging skinny ni Baby Tingzi, maraming netizens ang nagkomento na baka mayroon siyang anorexia nervosa.

Ang anorexia ay isang eating disorder kung saan ang taong taglay ang condition na ito ay takot tumaba.
Bagama’t umaani na ito ng samo’t saring pambabatikos, nanindigan ang influencer na mas gusto pa rin niya umanong maging super skinnyat walang epekto sa kanyang buhay ang kanyang pagiging “mukhang kalansay” na ibinansag ng mga nitizens.