Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang 59 anyos na lalaking biyudo matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Brgy Domanpot sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Ayon kay PMAJ Resty Ventenilla, OIC ng Asingan Pnp, base sakanilang inisyal na imbestigasyon ay nireport ng mismong anak ng biktima sa kapulisan na nawawala ito noon pang Pebrero 3 na simula noon ay pinaghahanap na ng kaniyang pamilya.

Ngunit matapos ang ilang linggong paghahanap sa biktima ay napansin umano ng kanilang kapitbahay ang kakaiba at hindi magandang amoy na galing sa isang puno ng mangga at ng ito ay kaniya na sanang aakyatin ay doon na niya nakita ang bangkay ng biktima na nakabitin matapos kitilin ang kaniyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang nylon rope.

--Ads--

Agad naman itong naiparating sa pamilya ng biktima at halos manlumo ang mga kaanak nito ng makita ang estado ng katawan nito na nasa state of decomposition na dahil hinihinalang maaring noong mawala ito ay ginawa na niya ang nasabing pagpapakamatay.

Base naman sa pakikipag ugnayan ng kapulisan sa pamilya ng biktima ay napag alamang mayroon itong problema sa pag-iisip at hindi rin naman itinanggi ng kaniyang mga kaanak na nakakaranas ng ilang problema ang pamilya nito na posibleng isa rin sa mga dahilan ng pagpapakatay ng biktima.