Naaresto ang isang high-value individual (HVI) sa ilegal na droga sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga pinagsanib na pwersa ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Urdaneta City.
Kinilala ang suspek na bilang isang 58 taong gulang, walang asawa, at residente ng Villasis.
Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu.
Bukod pa rito, nakuha rin sa kanya ang isang 500-pisong bill na ginamit bilang buy-bust money, isang pekeng 500-pisong bill, labing-isang pekeng 1,000-pisong bill, isang cellphone , isang pakete ng sigarilyo, isang improvised tooter, at isang motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Police Drug Enforcement Unit 1ang suspek para sa dokumentasyon at paghahanda ng mga kinakailangang dokumento para sa inquest proceedings.
Dinala rin siya sa Urdaneta City District Hospital para sa medico-legal examination.
Ang mga nakumpiskang droga at iba pang ebidensya ay isusumite sa PNP Forensic Unit sa Lingayen, Pangasinan para sa laboratory examination at drug testing.
Matapos nito, ang suspek ay pansamantalang ikukulong sa Urdaneta City Police Station.










