Dagupan City – Arestado ang 58-anyos na babae sa kasong libel na may 5 counts sa bayan ng Calasiao.

Kinilala ang suspek na residente ng Brgy. Mancup sa nasabing bayan.

Kung saan ay nakitaan ito ng isang krimen laban sa mga karapatan ng isang tao sa kanyang pangalan at reputasyon.

--Ads--

Sa ikinasang operasyon ng Calasiao PNP katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Pangasinan PNP Forensic Group lead unit at maging ang ilang personel mula sa Pangasinan Maritime naihain sa suspek ang kasong RA. No. 10175 na may 5 counts at bail bond na umaabot sa P36,000.