DAGUPAN, CITY— Binigyang linaw ni Dagupan City COVID-19 focal person Dr. Ophelia Rivera na ang 57 covid positive cases na naitala ng DOH noong January 14, 2021 ay naipong kaso at hindi sa loob ng iisang araw lamang matapos na mapabilang ang siyudad ng Dagupan sa limang mga probinsiya at siyudad sa buong bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.

Batay kasi sa inilabas na report ng DOH central office, pang-apat ang Dagupan City na may 57 cases, una dito ang Davao City na may 136 covid case, Quezon City- 107, Agusan del Sur -61 at Cavite -54

Paliwanag ni Rivera na 16 lamang ang kumpirmadong kaso ng covid19 ang naitala kahapon at kaya mataas ang naitalang kaso ng covid19 ay dahil hindi agad ito nairereport sa DOH.

--Ads--

Binigyang diin din ng opisyal na ang inilalabas na datos ng Dagupan ay real time covid19 cases.

Tinig ni Dr. Ophelia Rivera, Dagupan City COVID-19 focal person

Samantala, kahapon, panibagong 7 kaso ng covid19 ang naitla na pawang mga close contacts ng confirmed covid cases mula sa mga barangay ng Bonuan Gueset, Bacayao Norte, Mangin, Pantal, at Barangay 2.

Kahapon, umabot na sa 231 ang aktibong kaso sa siyudad ng Dagupan.

Kung maalala, bilang tugon sa tumataas na kaso ng covid19 sa siyudad nagisyu si City Mayor Marc Brian Lim ng EO kung saan sa ilalim nito, pinatigil ang mga sabungan dahil sa ilang kaso ng nagpositibo sa covid 19 na may local travel history sa sabungan. Nagpatupad din ng curfew hour mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Inoobliga din ang mga resto bar sa siyudad na limitahan sa 50% capacity lamang ang kanilang operasyon.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng local IATF ang storage facility sa lungsod na paglalagyan sa oras na maging available na ang vaccine kung saan ayon kay Dr. Ophelia na tinitignan aniya sa ngayon kung kayang iaccommodate sa CHO ang mga refrigerator na paglalagyan ng vaccine dahil may cold chain storage ito.

Inaayos din sa ngayon ang micro-planning kung saan nakalagay dito ang requirement para sa storage facility ng vaccine na isusumite sa DOH. (with reports from: Bombo Everly Rico)