Arestado ang isang 56 anyos na lalaki matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Lingayen,lalawigan ng Pangasinan.
Isinagawa ang operasyon pasado alas-dos ng madaling araw ngayong araw matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na gawain ng suspek. Agad na ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa kanya.
Nasamsam mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 14.02 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱95,336.00. Ang nakumpiskang ilegal na droga ay agad na isinailalim sa wastong dokumentasyon at turnover para sa kaukulang pagsusuri.
Napag-alaman na ang suspek ay kabilang sa street level individual sa usapin ng ilegal na droga sa nasabing bayan. Kasalukuyan na siyang nahaharap sa mga kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
56 anyos na lalaki, kalaboso sa buy-bust operation sa Lingayen




