Dagupan City – Matinding problema sa pamilya.

Ito umano ang nakikitang dahilan kung bakit sinunog ng isang lalaki ang sarili nito.


Ayon sa caretaker ng lugar na itago nalang sa pangalang alyas “Oliver” dumayo pa ang biktima na kinilalang si Luisito Buenaventura, 55-anyos, isang mekaniko at residente ng Barangay Botao sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan sa private property sa bayan ng Manaoag sa naturang lalawigan.

--Ads--

Lumalabas naman na normal pa ang kilos nito kaya hindi na nila pinansin, at dakong alas 3 naman ng hapon nang magsasara na sana sila sa lugar ay agad na nagtaka ang mga ito dahil sa may nakita silang motor, sinubukan pang tawagin kung sino ang may-ari ng motor ngunit walang sumasagot sa kanila.

Hanggang sa nakaamoy na sila ng usok sa kakahuyan at doon na tumambad ang bangkay ng lalaki, kaya tumawag sila ng rescue mula sa hanay ng kapulisan at agad naman itong narespondehan.

Lumalabas naman sa imbistigasyon ng kapulisan sa bayan ng Manaoag na may narekober silang cellphone sa lugar ng insidente at doon na rin nakita na kinuhanan pa ng biktima ang sarili ng video bandang 11 ng umaga at sinadya pa nitong buhusan ng isang galon ng gasolina ang kanyang katawan.

Sa kasalukuyan, nasa funeraria na ang bangkay ng biktima at nakatakdang iuwi na ng kaniyang pamilya sa bayan ng Santa Barbara.